A few good days back, I was doing a general cleanup of my room as part of my pre-New Year rituals. While browsing some of my old stuff from college, I was able to unearth a personal literary of mine. I wrote it when I was in my junior year and I entitled it 'Pananatili'.
Pananatili. In english, it meant 'staying' or 'lingering'. Written in Filipino, this poem is one of my personal favorites among my many others. Pananatili
Eric Nabos
Nakahiga sa kalawakan ng madilim na katahimikan.
Ang iyong mga larawan, lumilipad sa aking isipan.
Pilit iginuguhit ang damdaming malabo,
Kasabay ng paglangitngit ng aking pinto.
Umiiring ang isip sa bawat pintig ng puso.
Ang kailanman ay ipinangako mo na sa akin;
Sa iyong pag-ibig, lahat ay aking naangkin.
Ngunit ilang pagdirimdim, saan nanggagaling?
Hindi sa yo, ngunit sa kailaliman ng aking pagkatao.
Sa aking sistema, sa aking kasaysayan,
Isang kakulangang naninikit sa kalooban.
Sa yo ako'y walang pagdududa
Pagmamahal mong tunay, napakahalaga.
Sa iyong mga palad ay nakasulat na
Ang bukas ko, bukas natin, napakaganda.
Mga multong bumabalik sa aking pag-iisa
Himig ng mga tala, ako'y tulungan nawa.
Kalungkutang di mahanap ang dahilang nagkukusa
Binabalot ng hanging malamya at malamig na alaala.
Sa akin ikaw ay langit, sintang paraluman.
Wag iisiping ikaw ay nagkukulang.
Aking kailanman, ipinauubaya na sa yo
Isabay ako't dalhin sa bawat pagpikit mo.
Payapain ang ingay na bumubugso,
Damtan ang kalungkutang naninibugho,
At itakas ako sa 'yong walang hanggang paraiso.
Ako ba ay karapatdapat sa iyo, panaginip?
Sa oyayi ng iyong bulong, ang bukas ko ay iidlip...
Photo Credits
Special thanks to flickr member Stitch Witch for the image used in this entry.
Back to Chasing Daylight home
Labels: Thoughts











Stylishly poetic. Galing! Nakakarelate akoh sa tula mo!